Sabado, Hunyo 9, 2012

Lahat naman ata ng tao ay dumaan sa pagkabigo sa tinatawag naten na PAG-IBIG. .Maraming tao ang naging TANGA at nagpa TANGA dahil sa pag ibig na yan. May mga taong ngpaka martyr, alam na nila na hndi sila mahal hala ayun sunod sunuran pa rin sa minamahal! hay naku ang pag ibig nga naman.. pag tinamaan ka ni kupido tagos as in tagos! alam nyo yun? hayz.. nangyari na rin yan sa akin sabihin na natin na nasaktan ako ng sobra.. Hindi ko alam kung paano ko siya makakalimutan, ginawa ko ang lahat mawala lang siya sa isipan ko pero ang hirap... PAANO BA TALAGA MAG-MOVE ON?


Bakit kailangang makilala mo ang taong magpapatibok ng puso mo pero,
hindi naman pala para sayo?

Para saan ba siya? tagahilom ng mga sugat ng nakaraan?
o taga dagdag ng sakit na nararamdaman?

Ang pag ibig hindi laging pinaglalaban dapat alam mo kung kailan ka
susuko at kung kailan dapat ipaglaban?..

Paano mo nga ipaglalaban ang taong mahal mo kung sa umpisa pa lang
talo ka na?.. At kung ipaglalaban mo man madami kang taong masasaktan.

Alin nga ba ang mas mahalagakasama mo ang mahal mo pero mali.

Kaysa hindi mo kapiling ang taong mahal mo kahit mahal nio pa ang
isa't isa dahil un ang tama?

Bakit nga ba minsan kahit may mahal kna
hindi mo maiwasan magmahal ng iba?

Dahil ba may pagkukulang siya o hindi ka lang talga makuntento sa kanya?

Sa pag-ibig hindi puro puso lang ang ginagamit, hindi puro pang sariling
kaligayahan lang inaalala...

Dapat minsan gamitin mo din ang isip mo,
At isipin mo din ang kapakanan ng nakakarami hindi ang sarili lang.

MAy mga bagay na hindi mo na pwedeng ipagpilitan kahit gustuhin mo man.

Minsan kailangan mong pigilan ang sarili mo baka pag pinagpilitan mo ang gusto mo,
magising ka na lang isang araw na mali na pala ang tinatahak mong landas.

Kailangan mong pakawalan ang taong mahal mo dahil yun ang nararapat.

Hindi lahat ng naghihiwalay ay hindi na nila mahal ang isa't-isa.
Minsan kailangan mong magpaalam dahil alam mo yun ang tama.

At pagsusundin mo ang tibok ng puso mo sa bandang huli
madami kang masasakta at ikaw din ang kawawa.

Mahirap magpaalam sa taong pinakamamahal mo, pero mas mahirap
tanggapin ang katotohanan na hindi na kayo pwedeng magsama ulit.

Napakahirap sabihin ang salitang paalam lalo na sa taong pinapangarap makasama
habang buhay at kasama bumuo ng mga pangarap.

Sa paghihiwalay ng landas natin, ayokong isipin niloko mo lang ako..
Mas gusto kong baunin na minsan minahal mo din ako.

Masakit man ang paghihiwalay natin hindi ako ngsisi at naging bahagi ka
ng buhay ko at naging masaya ako kahit sa sandaling panahon na kapiling kita.

Sabi nila kung talagang para sayo ang isang tao mawala man siya sayo ng
mahabang panahon magkikita pa rin kayo alam mo kung kailan?

KAPAG TAMA NA ANG MALI

at KAPAG PWEDE NA ANG HINDI.



Sana nakatulong ako sa mga babae at lalaking nagmahal at nahirapan mag-moveon. Dadating di ang tamang oras na mahahanap niyo ang taong mamahalin kayo at mamahalin kayo ng totoo. At kung mangyari yun, wag na wag mo na siyang pakawalan. :) 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento